3 Starter Gang timbog

Timbog ang tatlong miyembro ng Starter Gang nang  maaktuhan ng mga nagpapatrolyang pulis na ninanakawan ang isang dump truck, sa Teresa, Rizal.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Roy Pastrana, 30 anyos; Noel Masucot, 26 anyos, at Alberto Alonzo, 28 anyos, na pawang nakatira sa Brgy. Dalig, sa nabanggit na bayan.

Ang mga nadakip ay pormal na inireklamo sa pulisya ng may-ari ng dump truck na si Anilo Alcaria, 59 anyos, may-asawa, ng Roxas Rd. Brgy. May-Iba,ng nasabing lalawigan.

Sa imbestigasiyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-2:30 ng madaling araw kamakalawa, habang ang Teresa PNP ay nagpapatrolya nang mamataan ang mga suspek na sakay ng dump truck na pilit na pinapaandar ng mga ito at ang isa naman sa mga suspek ay inilalagay sa  sako ang mga spare parts na kinalas buhat sa sasakyan sa harap ng bahay ng biktima kung saan ito nakaparada.

Nang sitahin ang mga suspek ay kaagad na nagsitakbo kaya nagkaroon  ng ilang minutong habulan.

Narekober sa mga suspek ang dalawang electrical engine starter, isang kalibre .38 na may bala at dalawang kutsilyo.

Nahaharap sa kasong robbery, illegal possession of firearms, ammunition at illegal possession of deadly weapon ang mga nadakip. (Jun Ferrer)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply