33 OFWs nakakulong sa Saudi

NAKAPIIT ngayon ang may 33 overseas Filipino workers (OFWs) sa Alkhobar province sa Saudi Arabia matapos magsagawa ang Saudi police ng isang raid sa kanilang pinagtataguang flat sa nasabing bansa.

Ayon kay Philippine Embassy Charge d’Affaires Ezzedin Tago, nagsagawa ang mga awtoridad sa naturang bansa ng isang raid sa sinasabing takbuhan ng mga OFWs na paso na o walang kaukulang dokumento  sa kanilang  flat sa Thuqba area sa Alkhobar.

Napag-alamang hinuli ang mga naturang OFWs dahil overstaying at ang ilan at walang kaukulang dokumento sa pananatili sa bansa.

“We are closely coordinating with authorities in the Eastern Province and finding out what charges will be filed against them. We’ll do our best to help them,” saad ni Tago sa isang aticle na ipinalabas ng Arab News, Huwebes.

Dagdag pa ni Tago, titingnan nila ang kanilang makakaya na mapauwi na lamang ang mga nasabing OFWs upang makasama nila ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

Nabatid na 27 sa mga nahuling OFWs ay kababaihan.

Nabatid pa sa ulat ng Arab News na umapela si Migrante Middle East regional coordinator John Leonard Monterona sa Saudi government na irespeto ang karapatang pantao ng mga nakulong na OFWs.

“We appeal to the Saudi government to respect the rights of undocumented migrants in its campaign to root out illegal residents like runaway OFWs,” sabi ni Monterona.
Hinimok din ni Monterona si Philippine Vice President Jejomar Binay at ang Department of Foreign Affairs to lobby the Kingdom’s government para sa legalisasyon ng mga undocumented OFWs.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply