33 volcanic quakes naitala sa Mt. Bulusan

NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs) ng may 33 volcanic quakes sa kapaligiran ng Bulusan Volcano sa Sorsogon sa loob ng nakaraang 24-oras.

Batay sa Phivolcs, ang naturang pagyanig ay kaalinsunod sa naganap na pagbuga ng abo ng bulkan noong Linggo ng umaga kung saan naitalang dalawang kilometro ang naging taas nito.

“Bulusan Volcano’s seismic network recorded 33 volcanic earthquakes during the past 24-hour observation period. One of the recorded quakes was an explosion type that accompanied the 7:22 a.m. 2-km ash ejection yesterday,” ayon sa Monday Bulletin ng Phivolcs.

Ayon kay Philvocs director Renato Solidum, bagamat mataas ang volcanic activity, 330 pamilya ang nananatili pa rin sa evacuation center dahil sa matinding ash falls.

Ang mga naturang pamilya ay mula sa Bgy. Puting Sapa sa Juban, Bgy. Bolos, Cogon at Irosin.

Sa kabila ng mga naitalagang pagyanig, nananatili pa ring nakataas sa alert level 1 sa Bulkang Bulusan kaya mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer permanent danger zone.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply