35 bansa nasa Guangzhou, China na para sa kickoff ng Asiad

Apat na  araw bago ang opisyal na kick off ng 16th Asian Games, 35 na mga bansa na umano ang nakachecked-in sa tinatawag na Athletes’ Village, ang official residence ng mga atleta at mga sports officials.

Kabilang sa mga bansang maagang dumating sa Guangzhou ay ang Afghanistan, India, Japan, Malaysia, South Korea, Singapore, Uzbekistan at ang host country na China.

Sa kaso ng Pilipinas, una ng sinabi ni Philippine Sports Commission Chairman Ritchie Garcia  na sa Nobyembre 10 pa ang alis ng unang batch ng mga atletang Pinoy patungong China.

Ang Athletes’ Village ay kinabibilangan ng 3, 598 apartments at may kabuuang 9, 272 rooms.

Inaasahan na dito titira ang may 15,000 athletes at coaches mula sa 45 bansa at rehiyon na kasali sa November 12-27 event.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply