35 porsyento ng Cagayan de Oro City pugad ng droga – PDEA

Pugad ng droga ang tatlumpu’t limang porsyento ng kabuuan ng Cagayan de Oro City ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Isiniwalat kamakailan ni retired Lt. Col.  Edwin Layese, regional director ng PDEA sa Northern Mindanao, na 28 barangay sa 80 barangay sa nasabing siyudad ay kinukunsiderang “illegal drugs hotspots.”

Hindi tinukoy ni Layese ang mga nasabing barangay. Sinabi lamang niya na isa rito ay “highly or seriously affected” ng pagkalat ng ipinagbabawal na gamot, 26 ay “moderately affected,” at isa pa ang “slightly affected.”

Itinuturing na highly or seriously affected ng droga ang isang barangay kung maliban sa maraming bilang ng drug users at pushers ay meron ditong pinagsususpetsahang plantasyon ng marijuana o kaya ay laboratory, den, warehouse, resort, o katulad pang mga establisyemento na naglalaman ng droga.

Moderately affected naman ang isang barangay kung meron ditong hinihinalang drug user at drug trafficker o pusher. Samantalang  itinuturing na slightly affected ang barangay kung pawang mga drug user lamang ang nakatira dito.

Sinabi rin ni Layese na 412 barangay sa kabuuang 2,022 barangay sa Northern Mindanao ang apektado ng illegal drug trade.

Ayon kay intelligence officer  Rubietania  A. Gacus, chief ng  Preventive Education and Community Involvement Division ng PDEA Region-10, 17 sa 412 barangay ang highly affected; 329 ang moderately affected; at 66 ang slightly affected.

Sa kasulukyan ay may natukoy na ang PDEA na  2,319 pushers ng marijuana at shabu sa Northern Mindanao.

Samantala, ayon pa rin sa PDEA, nangunguna ang Bukidnon sa mga probinsiya sa rehiyon sa bilang ng barangay na apektado ng droga. Sa kabuuang 114 apektadong barangay sa nasabing probinsiya, tatlo ang highly affected; 99 ang moderately affected; at 12 ang slightly affected.

Sinundan ito ng Misamis Occidental na may 91 barangay na apektado. Apat dito ang seriously affected; 54 ang moderately affected; at 33 ang slightly affected.

Ang Lanao del Norte naman ay may 64 apektadong barangay, samantalang ang Camiguin ay may 19. (Albus D. Estabas)

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply