4 holdaper sumalakay, dalagita tinangay

NILIMAS na ang pera at mamahaling kagamitan, tinangay pa ng apat na holdaper ang isang dalagita para gawing pananggalang matapos holdapin  ang sinakyang  pampasaherong jeep, sa Navotas City.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Richard Apuya, 37, jeepney driver; Rosemarie Apuya, 40; Mirasol Dumigas, 32, mga residente sa Caloocan City.

Base sa imbestigasyon ni P01 Allan Bangayan, dakong 10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Pitong Gatang st., Brgy., Sipac-Almacin, Navotas.

Ayon sa ulat ng pulisya, kasakay ng mga biktima ang mga suspek kung saan pagdating sa nasabing lugar ay bigla na lang naglabas ng patalim at baril saka nagpahayag ng holdap.

Sapilitang kinuha ng mga holdaper ang mga cell phone at pera ng mga biktima at hindi pa nakuntento ay tinangay pa  ang magandang dalagita.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya  nasa ligtas naman na kalagayan  ang dalagitang si Judy Ann Panganiban, 15 anyos, estudyante, residente ng 87 Asero st., nang iwanan ng mga suspek, na nagtungo sa barangay hall ng Tugatog.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing  imbestigasyon at operation ang mga awtoridad sa agarang ikadarakip ng mga suspek. Roger Panizal

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply