4 katao binaril at sinamurai

Sugatan ang  apat katao matapos pagbabarilin at pagtatagain ng kanilang nakaalitan sa Sta. Ana, Maynila.

Inoobserbahan pa rin sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Jeffrey Laurente, 24, ng 2764 Lamayan st., ng nasabing lungsod habang ligtas na sa kapahamakan sina Reynaldo Santos, 46, taxi driver, ng Blk. 27, Lot 17, Villa San Isidro, Montalban Rizal; Merlito Vinarao, 56, tricycle driver, ng 2766 Old Panaderos St., Sta. Ana, Manila at Rodolfo Manipon, 66, may-asawa,driver ng 3347-E 1stSt.,V.Mapa st., Sta Mesa, Maynila.

Sa report ni Supt. Rogelio Torrelino Rosales, Jr., dakong alas- 5:20 ng hapon, nang maganap ang insidente sa may Lamayan at Sta. Clara sts., ng nabanggit na lugar.

Isa sa mga suspek ay nakilalang si Rolando Annuevo, alyas Bunso at dalawang ‘di nakilalang kasamahan nito ay kasalukuyan namang tinutugis ng mga awtoridad.

Sa imbestigayson, nasa lugar si Santos upang bumili ng yelo nang makarinig ng mga putok ng baril .

Nalaman niya na ang pamangkin na si Laurente ang nabaril  kung saan nadamay at  tinamaan naman ng ligaw na bala sina Vinarao at Manipon sa kanilang kaliwang braso.

Si Santos ay nagtamo ng taga ng samurai sa likurang bahagi ng  katawan.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo habang isinugod sa pagamutan ang mga biktima.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang anim na basyo ng bala, holster at  ang ginamit na samurai na may 24 pulgada ang haba.

Dating alitan ang nakikitang motibo sa naganap na pamamaril at pananaga. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply