Groups to help in war vs human trafficking

APAT na organisasyon ang makikipagtulungan sa Aquino administration upang labanan ang human trafficking.

Ayon kay Interior Secretary Jesse Robredo, makikipagtulungan sa Department of Interior and Local Government ang Blas F. Ople Centre and Training Institute, Visayan Forum Foundation, Association of Child Caring Agencies of the Philippines, at ang Philippine Center for Islam and Democracy  upang maprotektahan ang mga Filipino na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Dagdag pa ni Robredo, layon ng mga naturang organisasyon na maprotektahan din ang mga Pinoy sa pang-aabuso.

“All parties have agreed to further intensify the advocacies, interventions and active participation of local government units in the fight against human trafficking in the country,” dagdag pa nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply