4 na hinihinalang NPA recruiter, timbog Camarines Norte

ARESTADO ang apat na hinihinalang recruiter ng New People’s Army (NPA) sa Daet, Camarines Norte.

Ayon kay  Philippine Army 9th Infantry Battalion Commander Col. Leoncio Sirunay, nadakip ng pinagsanib na pwersa ng pulis at militar ang mga suspek na sina  Esmeraldo Bardon, Denver Bacolod, Elpidio de Luna at Melo Bermas sa kanilang safe house sa Barangay Dos Pasig.

Inaresto aniya ang apat sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte matapos ireklamo ng panghihikayat umano sa mga kabataan na sumapi sa NPA.

Nakuha sa mga suspek ang isang notebook computer, isang desktop computer, photocopy machine, mga subersibong dokumento, blasting caps at electrical wires na panggawa ng bomba

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply