4 kawani sa Navotas, sabit sa pagpupuslit ng paninda

APAT na mga tauhan ng isang convenience store kabilang ang nakatalagang lady guard ang pormal na ipinagharap ng reklamo ng kanilang supervisor matapos matuklasan sa pagsasabwatan nang paglalabas ng ilang paninda sa Navotas City.

Kinilala ni Supt. Bernard  Tambaoan ang mga inereklamo na sina Maria Christine Reyes, cashier;Albert Bintacu, encoder-cashier; Eleono Mapasao, cashier; at Erlinda Gandal, lady guard, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng nasabing lungsod.

Batay sa  salaysay ni Rolando Dypolo, supervisor ng Kid’s & Mom  convenience store, ganap na alas-9:00 kamakalawa ng umaga nang matuklasan ang nasabing nakawan sa  establisiyemento, sa Brgy. Bagong Bayan North, C-4, Navotas City.

Matapos magsagawa ng imbentaryo ang pamunuan ng nasabing store, dito natuklasan na maraming mamahaling imported na alak, chocolate, deodorant at iba pang imported na paninda ang nailabas sa pakikipagsabwatan ng naturang lady guard.

Nabatid sa pulisya na hindi ipinagkaila ng mga suspek ang nasabing akusasyon kaya nagpasya ang pamunuan na sampahan ng kasong qualified thief sa piskalya ang mga nabanggit. Roger Panizal

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply