4 Pinoy sa UAE timbog; apartment ginawang tattoo parlor

ARESTADO kamakailan ang apat na Pilipino sa United Arab Emirates matapos matuklasang ginawa pala nilang tattoo and piercing parlor ang kanilang apartment sa nasabing bansa.

Ayon sa ulat ng Gulf News, natimbog ng pulis ang apat na Pinoy matapos maghinala ang kanilang kapitbahay sa isang building sa Al Muraqqaba district sa diumano’y suspicious activities sa apartment.

Isinumbong ng kapitbahay sa mga pulis na madalas siyang nakakakita ng mga grupo ng teenagers na pawang nakabalot ng gasa ang mga braso na lumalabas mula sa apartment ng mga Pinoy.

Nakumpirma ng mga awtoridad na ginagamit nga bilang tattoo at piercing parlor ang apartment matapos magpanggap na customer ang isang undercover source ng pulis.

Napag-alaman din ng mga awtoridad na ang mga gamit pang-tattoo at pang-piercing ay unhygienic at maaring pagmulan ng infectious diseases.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply