45 suspected NPAs torch truck in Butuan

ISANG ten-wheeler truck sa Butuan City ang diumano’y sinunog ng 45 katao na pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army.

Ayon sa ulat na nakarating sa Caraga regional information office, kinakargahan ng troso ang truck sa may Raval Farm sa Brgy. Bitos, nang biglang sumalakay ang mga armadong rebelde sa lugar nitong Huwebes.

Ang truck ay pag-aari umano ng isang businessman na nagngangalang Tata Tiu.

Inutusan ng mga rebelde ang driver ng truck na imaneho ang sasakyan sa Purok 13A, Casisiman na sakop pa rin ng nasabing barangay.

Pagdating sa nasabing lugar, binuhusan umano ng gasolina at sinunog ng mga rebelde ang sasakyan.

Kasalukuyang inimbestigahan ng mga pulis ang pangyayari.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply