5 patay sa Caloocan ‘inferno’

NALITSON ang limang katao habang dalawa ang malubhang nasugatan makaraang masunog ang ilang kabahayan matapos umapoy ang imbakan ng gasolina sa isang compound sa Caloocan City  matapos tapunan ito ng sigarilyo.

Nakilala ang mga namatay na biktima na sina: Irene Galleta, 43; Irene Tabenas, 61; Mary Rose Tabenas, 22; Joppet Galleta, 16; at Olivia Mabalay, 8, pawang residente ng Sunflower st., kanto ng Narra st., Pangarap Village, ng nabanggit na lungsod.

Nagtamo naman ng second-degree burns sina Ruber Tabenas, 22, at isang “Boknoy” Galleta, 10 anyos. Ang dalawa ay kasalukuyang naka-confine sa Jose Rodriguez Hospital.

Base sa ulat ni SPO4 Randy Resurreccion, bandang 9:50 ng gabi nang mangyari ang sunog.

Sa ocular inspection ng Caloocan Fire Station sa loob ng compound na kinatatayuan ng bahay ng mga nasawi ay may nakatayong full-sized gasoline pumping machine dalawang metro ang layo sa pintuan ng bahay ng isang Roberto Galleta, kaanak ng mga nasawi.

Sa gawing likod ng gasoline pump ay may nakalagay na dalawang plastic storage na may nakakunektang metal pipes kung saan naka-imbak ang may 200 galon ng gasolina. Walong plastic container na puno ng gasolina ang nakitang nakadeposito sa loob ng bahay na pinaniniwalaang ibinibenta sa mga motorista.

Ayon kay Boknoy, isang lalaki ang nakitang nagtapon ng upos ng sigarilyo malapit sa imbakan ng gasolina na nagresulta ng malakas na pagsabog.

Nang mag-apoy ito ay naabot ang kanilang bahay. Nang kumalat ang apoy ay na-trap ang mga biktima sa loob ng  comfort room.

Iniimbestigahan din ng Arson Division ng Caloocan Fire ang posibilidad na sinindihang kandila ng isang Rowena dela Cruz ang sanhi ng sunog. Ang alegasyong ito ay mariing itinanggi ni Dela Cruz.

Nagtataka rin ang mga awtoridad kung bakit nagkaroon ng imbakan ng gasolina sa compound at may nakatayong gasoline pumping machine gayung mahigpit itong ipinagbabawal. Jun Samson

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply