5 UFC fighters suspendido

SINUSPINDE ng Michigan Unarmed Combat Commission sina main-card fighter George Sotiropoulos at preliminary-card competitor Mike Lullo matapos manduro habang ang tatlong iba pa ay gumawa ng mga fouls sa octagon.

Kaya naman, ang UFC 123 noong Nov. 20 sa The Palace ng Auburn Hills ay nabalot ng kontrobersiya.

Si Sotiropoulos ay pinasuko sa laban si Joe Lauzon ngunit dinuro umano nito sa mata ang kalaban habang nasa kasagsagan ng bakbakan kaya siya sinuspinde.

Si Lullo naman ay nalugmok sa TKO loss kay lightweight newcomer Edson Barboza dahil sa foul na ginawa nang sipain sa paa sa third round ang huli.

Ang iba pang fighters na sinuspinde ay sina Matt Hughes, 60 days; Karo Parisyan, 30 days, at T.J. O’Brien, 30 days.

Ipinataw ang parusa upang hindi umano pamarisan ng iba pang manlalaro ang mga ito. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply