5,700 Pinoy may HIV

UMAABOT  sa 5,700 Filipino ang may sakit na HIV, at 852 ang kumpirmadong nagdadala ng sakit na AIDS base sa pag-aaral ng Department of Health, ayon kay Sen. Pia Cayetano.

Sa deliberasyon ng badyet ng DOH, sinabi ni Cayetano, chairman ng senate committee on health, na dapat pagtuungan ng gobyerno at pribadong sektor ang kampanya laban sa nakakarimarim na sakit na AIDS bago tuluyang lomobo ang bilang ng biktima.

Kaya’t tiniyak ng senadora na susuportahan ng Senado ang kampanya ng DOH upang mapigilan ang pagkakalat ng naturang sakit sa pamamagitan ng badyet na inihain ng ahensiya sa pambili ng condom.

Pinagbasehan ng senador ang datos ng National Epidemiology Center sa San Lazaro Compound, Maynila na may 5,700 kaso ng HIV ang naitala sa ahensiya, 852 dito ang kumpirmadong may sakit na AIDS.

“Siyam sa bawat sampu ng bilang, nakukuha ang sakit na AIDS sa unprotected na pakikipagtalik,” giit ng senador.

Sinabi ni Cayetano, dito papasok ang importansya ng malawak na kaisipan sa paggamit ng condom, hindi lang sa pagpigil ng pagbubuntis kundi proteksyon laban sa nakahahawang sakit tulad ng HIV at AIDS, at maging ang virus na sanhi ng cervical cancer sa kababaihan.  Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply