58-seconds silence inilaan sa Maguindanao massacre anniversary

NAGLAAN ng 58 minutong katahimikan ang mga istasyon ng telebisyon at radyo para sa pag-alaala sa anibersaryo ng Maguindanao massacre, Martes ng umaga.

Karamihan sa mga radio station ay naglaan ng 58 segundo ng katahimikan na sinimulan ng 7:00 ng umaga. Bawat segundo ay inihandog sa 57 kataong pinaslang at  isang minuto para sa isa pang nawawala na si Humberto Mumay.

“Ang silence na ito ay hindi lamang para manalangin kundi para sa panawagan ng hustisya sa mga naging biktima, at panawagan natin para mapabilis ang paglitis sa kaso,” ayon sa pangulo ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na si  Herman Basbaño sa isang panayam sa dwIZ.

Ayon kay Basbaño, nakikiisa ang kanilang grupo sa 58 minutong katahimikan, bawat begundo ay para sa isang kaluluwang pinaslang sa Maguindanao massacre at ang isang minuto ay para sa nawawala pang si Mumay.

“We offered 58 seconds of silence because Mumay is still missing. We also want authorities to attend to his case,” ayon pa kay Basbaño.

Ang KBP ay mayroong miyembro na 200 istasyon sa radyo at telebisyon sa labas ng Metro Manila.

Dagdag pa ni Basbaño, sila ay nagpapasalamat kay Pangulong Benigno Aquino III, sa pagdedeklarang national day of remembrance ang Martes, araw kung kailan pinaslang ang mga mamamahayag. Ngunit ayon pa kay Basbaño, higit pa rito ang nais ng kaniyang grupo, ang magkaroon ng hustisiya ang mga biktima.

“What is more important is to give justice to those who were killed, and to make the perpetrators of this heinous crime answer for their actions,” dagdag pa nito.

Tututok umano ang kanilang grupo sa progreso ng naturang kaso, at hindi nila hahayaang mahadlangan ang pagkakaroon ng hustisya sa mga pamilya ng namatayan at maparusahan ang tunay na may sala.

Handa rin ang KBP na maisiwalat ang katotohanan sa pagbibigay ng live broadcast coverage sa naturang kaso.

“This will be a chance for us to show the case is progressing. But there should also be measures to protect the rights of the accused. The accused have their own rights that should be respected,” ayon pa kay Basbaño.

Samantala, kinondena naman ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang pag-aantala sa pagresolba sa naturang kaso.

Ayon sa grupo, isang taon na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin maparusahan ang may sala ng naturang pamamaslang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply