$5B+ mula kay Uncle Sam; $5B+ mula kay Yamashita

“NAKAPAG-UWI” umano si PNoy ng mahigit $5 bilyong halaga ng pamumuhunan sa mga isteyt bisit nito kina Uncle Sam at Yamashita.

May susunod pa umanong anader na $5B+ pang pamumuhunan.

Magkuwenta tayo, Suki, sa pakinabang “natin” sa mga pagbiyahe-biyahe ni PNoy sa ibang dayuhang bansa.

$2.8 bilyon taymis 2 is ikuwal tu $5.6 B. Kung ipag-palit sa P43 ang $5.6B, nagkakahalaga ito ng P240B.

Ito ang halagang “naiuwi”  umano ni PNoy mula sa kanyang pagbisita kay Uncle Sam nitong nakaraang Setyembre at kay Yamashita nitong nakaraang mga araw.

Halos kasing-laki lang ito ng halagang nakukolekta ng mga korap sa Bureau of Customs taon-taon.

Ang pagiging korap ng ilan diyan sa BOC, eh, batay na rin sa reklamo ng World Bank na nagsasabing nawawalan ang gobyerno ng P125 taon-taon dahil sa ismagling at mga korap sa BOC.

oOo

Sabi pa ni PNoy, taymis 2 pa rin ang P240B dahil may iba pang pangako ang ibang mga kompanya nina Uncle Sam at Yamashita na P240B.

Derpor nasa P480B ang inaasahang halaga ng puhunan na gustong ilagak ng  nasabing mga dayuhan sa repablik ni Juan.

Paliwanag ng mga tsuwariwap ni PNoy, makalilikha ang mga halagang ito ng libo-libong trabaho.

Uunlad pa ang ekonomiya dahil bukod sa produksyon mula sa mga pabrika at iba pang itatayong negosyo nina Uncle Sam at Yamashita, meron at merong malilikhang negosyo sa paligid ng mga ito gaya ng mga restoran, hotel, suplay ng mga pagkain, trucking, mall, klab at marami pang iba.

Makalilikha rin ang mga ito ng mga karagdagang trabaho.

At darami rin ang mga ma-kokolektahan ng buwis na ikauunlad naman ng pamahalaan para mapabuti ang pablik serbis.

oOo

Bigla tuloy nating naalaala ang lahat ng mga naunang administrasyon.

Pare-parehas lang ang kuwento nina PNoy at lahat ng mga naunang naglungga sa Palasyo.

Ngayon nga lang ay tinitiyak na ng mga palakpak boys ni PNoy na hihigitan nila nang malayo ang perpormans ng mga naunang bosing sa Malakanyang.

Klap! Klap! Klap!

Beri gud.

Sina Uncle Sam at Yamashita ang pag-asa ni Juan na umunlad, sabi.

Rili?

Ang tagal nang kasaysayan ito, deka-dekada na.

Sa kabila ng paglalagak ng nasabing mga dayuhan ng bilyon-bilyong dolyar na puhunan sa bayan kong mahal, nanatili pa rin si Juan na isang kahig, isang tuka at lumalala pa.

Kung meron mang umunlad ay walang iba kundi mismo ang mga negosyanteng dayuhan.

Maalaala pa natin, sa unang taon ng deklarasyon ng martial law snoon, nagdiwang si Uncle Sam sa laki ng kanyang kinita sa kawalan ng unyon ng mga obrero at napakababang sahod ng mga ito at sumunod si Yamashita sa pagsasaya.

Kasama nilang nagdiwang ang mga pakner nilang lokal na negosyante.

Ganito rin ang kasaysayan ng mga dayuhang ito sa tuwing nagpapalit ang bosing sa Malakanyang.

Hindi kaya mauulit ito sa panahon ni PNoy?

Tu si is tu bilib, PNoy! Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply