6 na Pinoy nasa death row sa China at Indonesia

ANUMANG araw ay nanganganib mabitay ang anim na Pinoy sa China at Indonesia makaraang sampahan ng kaso sa pagdadalaa ng droga o drug mules.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency PDEA International Cooperation and Foreign Affairs Service Joseph Ladip, kinabibilangan ito ng isang lalaki, limang babae na ang karamihan sa kanila ay nagmula sa Xiamen Guanzho, China.

Samantala, 70 katao pa ang nakalinya rin sa death row ngunit maaring pa silang mabigyan ng pardon.

Bunsod ng itinatag na Task Force Drug Courier ng PDEA, nakikipagtulungan na ang pamahalaan sa mga opisyales ng China at Indonesia upang hindi matuloy ang pagbitay sa anim na Pinoy na ang mga pangalan ay sadyang ikinubli para na rin sa kanilang kapakanan.

Ang hakbang ay para na rin bumaba na lamang sa life sentence ang hatol para sa kanila.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply