6 Pinoy sa Japan, patay sa road accident

PATAY ang anim na di pa pinangalanang Pilipino sa Japan matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang minibus sa isang malaking truck nitong Linggo.

Ang insidente ay nangyari sa isang intersection ng Kameyama, Mie Prefecture sa kanlurang bahagi ng Japan, ayon sa ulat ng China Daily na kumuha ng report mula sa Kyodo News.

May 27 katao ang sakay ng minibus na pag-aari umano ng isang temporary staffing service. Papunta sana ang bus sa pabrika ng liquid crystal panel sa siyudad.

Ayon umano sa report ng mga awtoridad sa Japan, dumeretso ng takbo ang minibus sa intersection na walang traffic lights at bumangga sa truck.

Inaresto ng mga pulis ang driver ng truck na kinilalang si Takao Moriwaki, 45, na dapat ay huminto sana sa crossroads upang maiwasan ang sakuna. Soledad Montes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply