69 OFW na minaltrato ng mga amo, bumalik na ng bansa

NAKABALIK na ng bansa ang ilan sa mga sinasabing minaltrato ng kanilang amo sa Lebanon, madaling-araw ng Lunes.

Ayon sa inisyal na report ng dzBB’s,  tinatayang 69 OFW ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng  Qatar Airways flight.

Inaasahang darating na rin ang iba pa nilang kasamahan na lulan ng  Qatar Airways flight ngayong hapon, habang ang third batch ay darating sa Martes.

Sinalubong ni Vice-President Jejomar Binay ang mga naturang OFW. Si Bise Presidente Binay din ang namuno sa pagpapabalik sa mga naturang minaltratong trabahador.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply