7 kabataan sabit sa nakawan

MAGKAKASUNOD na naaresto ang pitong kabataang  nanloob sa isang establisimyento sa follow-up operation ng mga awtoridad sa Antipolo City.

Sa ulat na ipinarating ng Antipolo PNP sa tanggapan ni Sr. Supt. Manuel Cesar Prieto, Rizal PNP Director, ang mga naaresto ay nasa edad 13 hanggang 17 anyos, pawang residente sa nabanggit na lungsod.

Unang naaresto ang isang nagngangalang Rommel, 16, nang ito ay gumagapang sa kisame at makita ng mga guwardiya  sa KFC Strip Mall, ML Quezon ext. Brgy. San Roque.

Hindi rin nakalayo ang anim pang kabataan nang mahuli sa bubungan ng Mall ng mga awtoridad.

Ang mga kabataan ay responsable rin sa pambabasag ng mga kotse na nakaparada sa mall at kaya malakas ang loob ng mga ito ay dahil sa mga menor de edad  pa at ‘di makukulong kapag gumawa ng krimen. Jun Ferrer

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply