76 OFWs na sabit sa droga bibitayin

MAHIGIT 70 overseas Filipino workers (oFws)ang nahaharap sa kasong bitay habang isa ang nakatakda nang bitayin dahil sa tangkang pagpupuslit ng kilo-kilong iligal na droga sa bansang China.
Batay ito sa huling ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency kung kaya mahigpit nilang binalaan ang mga manlalakbay na OFW at turistang Filipino na iwasang makipagsabwatan sa sindikato sa ipinakikisuyong mga bagahe kapalit ng malaking halaga. Gayunman tiniyak ni Senior Usec. Dionisio R. Santiago, PDEA director general, sa publiko na patuloy silang makikipag-ugnayan sa kanilang international counterparts sa paghahanap ng solusyon para masawata ang kalakalan ng iligal na droga.  Naalarma rin ang PDEA sa lumalaking bilang ng mga OFW na nabibiktima ng international drug syndicate bilang “drug mules” na karamiha’y nahaharap sa bitay kung saan sa huling ulat ay isang Filipina ang nakatakdang bitayin matapos mahulihan ng 2.6 kilos ng heroin sa Indonesia.
Ayon kay Gen. Santiago, mas mahigpit ang drug law sa China dahil ang katumbas ng mahigit 50 gramo ng droga na mahuhuli ay 15 taong pagkakakulong hanggang habambuhay na posibleng mauwi hanggang sa bitay. Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply