8 lugar sa Bataan apektado ng red tide

APEKTADO na ang walong lugar sa lalawigan ng Bataan na kontaminado ng lason ng red tide ang mga karagatan at mahigpit na ipinagbabawal ang paghango at pagkain ng ano mang uri ng shellfish sa mga naturang lugar.

Ito ay base sa pinakahuling shellfish bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung saan nananatiling positibo sa mataas na antas ng red tide toxin ang mga samples ng tubig na nakuha ng ahensiya mula sa mga karagatan ng Mariveles, Limay,Orion, Pilar,Balanga,Orani,Abucay at Samal sa Bataan.

Bunsod nito, patuloy na pinapayuhan ng BFAR ang publiko laluna ang mga residente ng nabanggit na mga lugar na wag kakain, magbebenta at hahango ng shellfish meat tulad ng tahong, talaba at halaan sa mga naturang lugar upang makaiwas sa dalang epekto nito sa kalusugan ng tao.

Hindi pa rin bumababa sa 60 microgram limit ng BFAR ang toxicity level sa karagatan ng 8 lugar sa Bataan.

Gayunman, ligtas kainin ang isda, pusit, hipon, alimasag na mula sa naturang mga lugar bastat linisin lamang itong mabuti. Santi Celario

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply