85 PH athletes tumulak sa Asian Games

Umalis na kahapon ang first batch ng Philippine delegation na lalaban sa 16th Asian Games na gaganapin sa Guangzhou, China.

Aabot sa 85 na atleta at opisyales ang lumipad patungong China samantalang ang natitirang 57 katao ay ngayon aalis.

Kabilang sa mga delegasyon na naunang umalis ay mula sa sports discipline na canoe-kayak, chess, dancesport, artistic gymnastics, judo, shooting, tennis, soft tennis, wushu at rowing, samantalang bukas naman ay ang swimming, billiards, bowling at taekwondo.

Kasama naman sa aalis ngayon sina POC president Jose Cojuangco, PSC chairman Ricardo Garcia at Chief of Mission Joey Romasanta.

Umabot sa 188 ang atletang kakatawan sa bansa 29 sports disciplines na maghahangad na mahigitan ang apat na ginto, anim na pilak at siyam na bronze medals na napanalunan noong 2006 Doha Qatar Asian Games.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply