Construction worker inararo ng saksak

HINDI na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang construction worker makaraang pagsasaksakin ng kainuman kamakalawa ng hapon sa Matang Tubig, Brgy. Francisco, Tagaytay City, Cavite.

Sa ulat sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. Danilo Maligalig, ang biktima ay nakilalang si Carlos Rodriguez, 50 anyos, tubong Aluneros, Guinyangan Quezon at nakatira sa nasabing lugar. Mabilis na nakatakas ang suspek na nakilalang si Sulpicio Maravilla, nasa hustong gulang, magsasaka, tubong Camarines Sur at kapitbahay ng biktima.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Roel Paiton, bandang 2:40 ng hapon nang makatanggap ng tawag ang istasyon ng pulisya hinggil sa  isang lalaking naliligo sa sariling dugo sa isang creek. Nabatid na nakitang nag-iinuman ang biktima at suspek bandang tanghali. Habang nag-iinuman ay nagkapikunan ang dalawa na nauwi sa pananaksak ng huli. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply