Pacers pinasadsad ng Hawks

Kumamada si Josh Smith ng 25 points, 8 rebounds at 7 blocks dahilan upang mapasadsad ng Atlanta Hawks ang Indiana Pacers 102-92 kahapon.

Si Mike Bibby ay kumana ng 16 points habang si Al Horford ay nagdagdag ng 15 para sa Hawks na naitala ang kanilang pangalawang panalo.

Tumipa naman si Danny Granger ng 22 points para sa Pacers habang si Roy Hibbert ay sumikwat ng 18 points at career-high 15 rebounds.

Samantala, si Gilbert Arenas na pumalit kay injured rookie John Wall ay tumipa ng 20 points para matulungan ang Washington Wizards sa pagtibag sa Toronto Raptors 109-94.

Umiskor si Andray Blatche ng 22 habang si Nick Young ay naka-20 at Kirk Hinrich ay nag-ambag ng 13 points at 12 assists para sa Washington.

Si Wall ay pinagpapahinga ng Wizards kaya ang ipinalit dito ni coach Flip Saunders ay si Arenas na hindi naman nabigong i-angat ang kanilang koponan.

Kasabay nito, tumabo naman si Daniel Gibson ng 18 points sa panalo ng Cleveland Cavaliers laban sa Philadelphia 76ers, 101-93.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply