Abra nilindol

NIYANIG ng lindol ang Abra na may magnitude-4.6 sa northern Luzon, madaling-araw ng Lunes.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang pagyanig bandang 2:38 a.m. ng Lunes na may epicenter na  31 km sa Hilaga-silangan ng bayan ng Bangued, Abra.

Naramdaman ang pagyanig na may Intensity II sa bayan ng Pasuquin, Laoag City sa Ilocos Norte.

Wala namang naramdamang pagyanig sa Callao at Tuguegarao sa Cagayan maging sa Sinait, Ilocos Sur.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply