AFP officer hinamon ni de Lima na magbunyag sa Glorietta bomb blast

HINIKAYAT  ni Justice Secretary Leila de Lima si Retired Lieutenant Colonel Allan Sollano na huwag sa media isiwalat ang mga nalalaman nito hinggil sa tunay na dahilan sa Glorrietta blast.

Ayon kay de Lima , sa halip na sa media, dapat ay ilagay ni Sollano sa isang sinumpaang salaysay ang lahat ng mga nadiskubre nito sa isinagawang imbestigasyon sa nasabing pagsabog.

Si Sollano ay isa sa Army Explosive and Ordinance Disposal Unit team na nag-imbestiga sa Glorietta blast noong October 2007 kung saan 11 ang patay at mahigit isang daan ang sugatan.

Una nang isiniwalat ni Sollano na bomba ang dahilan ng pagsabog kontra sa resulta ng imbestigasyon ng task force Glorietta na methane gas mula sa basement ng mall ang dahilan ng pagsabog.

Kasabay nito, sinabi ni de Lima na handa ang witness protection program ng Department of Justice (DOJ) na bigyan ng proteksyon si Sollano sakaling mapatunayan na totoo ang lahat ng sinasabi nito at malaki ang maitutulong nito sa ikareresolba ng kaso. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply