Aljur Abrenica, nagdala sa ospital ng waitress sa kinakainang restaurant

GOOD job para kay Aljur Abrenica. Hindi nagkamali ang mga fans na umiidolo sa kanya.

Hindi siya nagdalawang- isip na tumulong sa isang waitress na  naaksidente at itinakbo niya sa hospital.

Kasalukuyang kumakain si Aljur sa isang restoran sa Quezon City nang madulas ang waitress na nagngangalang Rosalinda Tuban at tumama ang ulo sa poste at nawalan ng malay.

Nataranta raw ang mga taong nandu’n at hindi raw nila alam kung paano ihahatid sa hospital ang naturang waitress.

So , isinugod ito ng young actor  at nang kanyang kapatid sa Delgado Hospital. Ang maganda pa kay Aljur ay hinintay niya ang waitress hanggang matapos ang x-ray  tapos inihatid pabalik ng pinagtatrabahuhang restaurant. Siya pa ang nagbayad sa hospital.

Bihira sa mga bagets ang ganyan na matulungin at maasahan sa kagipitan. Patunay lamang na maganda ang palaki sa kanya ng kanyang mga magulang.

“Ugali na talaga ni Aljur ang pagiging matulungin. Dati nga, parang  gino-goodtime nila ang mga artista sa isang show, hinabol niya talaga ‘yung nagpanggap na snatcher.  Bitoy  show yata yun,” kuwento naman  ng isang katoto.

Anyway,  mapapanood si Aljur sa prodyus  naming show kasama sina Maricris Nicasio, Vinia Vivar at Roland Lerum sa Zirkoh, Tomas Morato on  November 20,  entitled “Luv 2 Laff”. Tampok din sina Jose Manalo, Wally Bayola with Knight Band  at ang Mocha Girls.

Front act naman ang mga recording artists na sina Lemuel Santos, Lyka Soledad, Alexzies, ang bagong grupong Harmony  (Randy,John and Aaron na napanood sa IDOL) at si Rico sa May Bukas Pa’ na si Timothy Lambert Chan.

Para sa ibang detalye tumawag sa 09325854640 at 7100352.

Tsuk!

-0o0-

Kinukulit namin si Pooh sa taping ng ‘Banana Split’ nu’ng Thursday kung sino ang nagbibigay ng inspirasyon sa kanya sa cast ng naturang gag show? Sino kaya kina Jayson Gainza, John Prats, Gab Valenciano, Jason Francisco o isa sa mga supporting player dun?

Mukhang inlove kasi ang basa namin sa mga shout out niya sa Facebook gaya ng “Hanggang kelan kaya ang kabaliwan ko sa kanya? Ah! Bahala na… Ang importante masaya ako. At hindi mabibigay sa akin ng iba ito…”

“Di ko na maantay ang Thursday para magtaping ng BS..”

“Patulog na me at sobrang happy ng day ko dahil ang saya namin sa Bora with d cast of Banana Split at magkasama kami ni “ehem”.”

“Tapos na naman ang isang araw pero di pa rin tapos ang kabaliwan ko.”

Ayaw namang magdetalye si Pooh at puro emote lang siya sa amin. Wala kaming mapiga sa kanya. Napa-AA na lang kami.

Mas excited siya dahil nominado na naman siya bilang Best Comedy Actor ng Star Awards for TV sa Nov 13 kung saan nominado rin ang ‘Banana Split’ bilang Best Gag Show.

Anyway,  buong Linggo na napapanood ang Boracay Special edition beach and bar gag ng ‘Banana Split  Daily Servings’ til Nov 12.

Talbog!

-0o0-

Usap-usapan na may relasyon diumano ngayon sina Pepe Smith at Karen  De Los Reyes. Marami ang na-shock.

“Ayy , parang mag-lolo na,” reaksyon ng mga katoto.

Sabi ni Pepe, friends lang sila ni Karen at walang malisya pag nag-holding hands sila. Todo -deny naman si Karen at nakakahiya raw dahil kaibigan niya ang anak ni Pepe.

Ganun?

Anyway, kahit may edad na si Pepe ay marami ang nagwater-water sa kanya pag kumakanta na sa entabaldo.

Matindi pa rin ang sex appeal niya kaya hindi imposible na ma-link siya sa mga bata gaya ni Karen.

‘Yun na!  Roldan Castro

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply