Mga kongresista nag-ambagan sa grand welcome ni Pacman

Umabot sa mahigit P200,000 ang naging ambagan ng mga kongresista para sa pagkain kasabay ng gagawing “grand welcome” para kay 8-division world champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Ayon kay House committee on accounts chairman Florencio “Bem” Noel, walang pera na inilabas ang kanyang komite para sa nasabing selebrasyon dahil nag-ambagan ang mga mambabatas para sa pakain.

Parang potluck style aniya ang nangyari dahil may mga kanya-kanyang papel na ginampanan ang ilang mambabatas.

Inihalimbawa nito si Rep. Carol Jayne Lopez (You Against Corruption and Poverty) na siyang in-charge sa banda at dinner katulong sina Rep. Ma.  Rachel Arenas (Pangasinan), Mitos Magsaysay  (Zambales),  Juan Edgardo Angara (Aurora) at Justin Mark Chipeco (Laguna).

“More than enough… P200 thousand sa meryenda at walang pera na ilalabas na galing sa account, pot luck style,” ani Noel.

Sagot naman nina Reps. Mark Sambar (PBA party list), Lord Allan Velasco (Marinduque), Davao City Rep. Karlo  Nograles ang inumin habang ang gaganaping dinner ay sagot nina Neptali Gonzalez (Mandaluyong) , Speaker Sonny Belmonte at Minority Leader Edcel Lagman.

Ang dinner ay gagawin sa rear entrance at bukas naman ito sa media habang ang meryenda ay para sa mga staff.

Dahil dito, kinansela ang technical working group meeting ng Committees on Basic Education and Culture at Trade and Industry ngunit itinuloy ng Committee on Agriculture and Food ang kanilang pagdinig.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply