Ralista ng Ampatuan massacre pinaalalahanan ng pulisya

PINAALALAHANAN ng pulisya ang mga magsasagawa ng rally kaugnay sa paggunita ng Ampatuan massacre na sikaping huwag makagambala sa mga klase sa paaralan at piliting hindi sila maging sanhi ng pagsikip ng trapik sa Metro Manila.

Ito ang last-minute reminders ng pulisya sa mga grupo na planong magsagawa ng pagmamartsa upang gunitain ang unang anibersaryo ng Ampatuan massacre ngayong Martes.
Inaasahang magmamartsa ngayon sa Mendiola malapit sa Malakanyang ang iba’t ibang mga grupo na pangungunahan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ngayong Martes upang maiparating ang kanilang paghingi ng hustisya sa mga biktima ng naturang pamamaslang.

Kabilang sa aktibidad na isasagawa ng mga naturang grupo ang candle-lighting ceremony sa Mendiola Bridge para sa pag-alaala sa mga biktima.

Naglaan naman ang Manila Police District (MPD) ng seguridad sa Mendiola Bridge kung saan pinaalalahanan ang mga ito na ipatupad pa rin ang maximum tolerance sa mga ralista.

Sinabi ni MPD spokesman Chief Inspector Erwin Margarejo sa mga magsasagawa ng rally na hindi holiday ngayon kung saan mayroon silang magagambalang mga klase sa paaralan, at maaari silang makasikip sa trapiko kung hindi nila paiiralin ang disiplina.

Nabatid din kay NUJP chairman Nestor Burgos Jr., ilang mga foreign journalists ang inaasahang lalahok sa naturang pagmamartsa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply