Anak at bahay itinaya ni Roach sa laban ni Pacman

Bahay at mga anak ang itataya umano ni trainer Freddie Roach sa nalalapit na laban ni Manny Pacquiao kay dating world champion Antonio Margarito.

Ito ang naging tugon ni Roach patungkol sa ginawa nilang paghahanda para sa eight division championship title quest ni Pacman.

Ayon sa multi-awarded boxing coach, itataya niya ang kanyang bahay kung hindi tatalunin ng pound-for-pound king ang Mexican-American boxer.

Sakaling nagka-asawa at nagkaanak, ipupusta rin umano niya ang mga ito.

“And had I married and had children, I will also bet them that Manny will beat Margarito and etch his name in boxing history as the first man to win an eighth title in as many divisions,” wika ni Roach.

Sa pagdating ng Team Pacquiao sa Texas, pinagkaguluhan ito ng mga boxing fans.

Limang araw na lamang bago ang Pacquiao-Margarito World Boxing Council super-welterweight championship title na gaganapin sa $1.2 billion Dallas Cowboys Stadium sa Arlington, Dallas, Texas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply