Ang kawalanghiyaan ni Agus

SOBRANG kawalanghiyaan nitong si Loretta Agus, alyas Nini, ng Victoria, Dasmariñas, Cavite.

Bukod sa pagiging drug usher ay drug runner na rin, pinagnanakawan pa nito ang isang kompanya ng mga bathroom materials.

Ilang beses na ginawa ito ng ale at mismong ang inyong lingkod ay inalok ng mga kagamitan para pagbentahin. Kikita raw ako ng malaki.

Kundi ba naman ganoon kademonyo ang babaeng ito. Ginaya pa tayo sa katulad niyang nagpupuslit ng mga ninanakaw na gamit sa kompanya.

Hindi tataas sa P10,000 isang set ng mga bathroom material ang kanyang ibinibenta.

Mula sa shower, Jacuzzi, bathtub, inidoro, mga gripo, lababo ang mga naipupuslit sa kompanya nga na ninanakawan.

Bukod pa roon, ipinagyayabang nito na sila ay tigasin sa kanilang lugar at may hawak na mga killer.

Sinasabi pa ng ale, na may baril silang iniingatan sa kanilang tahanan, sandata na ginamit din daw ng kanyang ama sa mga nakakaaway nito.

Hindi lang kompanya na naturan ang ninanakawan ni Agus kundi pati ang sariling mga kapatid ay ninananakawan ng lintek.

Mismong ang inyong lingkod ay ninakawan din nito, isinanla ang tv sets natin na hindi ko nalalaman.

Ang kanyang ipinagyayabang, na wala siyang kinatatakutan, ngunit nang minsan nagkaroon ng kaguluhan ay parang daga itong nagtatago.

Sabi pa ng adik na ito, na walang diyaryo-diyaryo sa kanya. Hindi raw siya natatakot kung madiyaryo dahil sa marami naman daw siyang tauhang killer.

Para mapatunayan ang kanyang kayabangan ay heto at ilalabas natin ang kanyang mga kawalanghiyaan!

Ang babae pong ito na hindi na naliligo ay inaasa ang pagkain ng pamilya sa araw-araw sa mga hinihingang kapitbahay.

Kapag hindi napagbigyan, aawayin ang hinihingan at kung ano-anong tsismis ang ginagawa.

Mahilig din ang ale na magbenta ng mga gamit na ipinasasanla sa kanya ng kapitbahay. Magugulat na lamang ang nagpasanla na hindi na niya pala maaaring tubusin ang kanilang gamit dahil sa ibinenta na ng aleng adik.

Ang mga gamit niya sa droga ay matatagpuan sa ilalim ng kanyang kama at sa loob ng banyo.

Alam din ng kanyang mga anak ang pagiging adik niya sa droga pero wala silang magawa dahil sa hindi na nila kayang baguhin ang masamang pag-uugali nito.

Nakakaawa ang maliliit nilang mga anak dahil sa pangit na gawain ng kanilang ina. Na sampal ito sa kanilang pagkatao.

Hindi rin natatakot sa mga pulis si Nini sapagkat kaya raw niyang mapaglaruan ito sa kanilang palad.

Kaya nga ating pagbibigyan ang kanyang paghahamon. Naririto ang paunang litanya sa kanyang mga kasamaan.
Hindi rin tayo titigil hangga’t ‘di niya napagbabayaran sa batas ang mga kawalanghiyaan na kanyang ginagawa.

Pasensiya na lang kina Lester at Ferdie dahil sa sagad na sa langit ang kawalanghiyaan ni Nini na dapat na talagang kalusin.

Abangan mo at ano mang oras ay dadamputin ka na, lalo na ang kompanya na inyong ninanakawan! Nakontak ko na ang may ari nito.

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya sa inyong paligid, maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com. Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply