Ang, kuminang sa Anvaya triathlon

NAGPAKITANG gilas sina Levy Ang at Geraldine Santiago sa ginanap na 3rd Anvaya Cove Invitational Triathlon sa Anvaya Cove Beach and Nature Club sa Bataan.

Si Ang ay hindi lumahok sa nakaraang dalawang stagings  dahil sa personal na rason.

Ngunit dahil sa curiosity, lumaro ang 39-year-old campaigner ngayong taon kung saan nagkaroon naman ng magandang resulta.

“I really wanted to join, first because I wanted to see the beautiful scene and to get a feel of how tough the race course was, especially the bike route,”  wika ni Ang.

Si Ang ay pumalo ang oras sa 2:05.20 na pinakamabilis naman sa bike course na umoras ng 1 hour, 14 minutes at 12.75 seconds.

Samantala, si Stephanie Frondoso naman ay tumapos ng runner-up sa oras na 2:44.25 habang si Vanessa Aguirre ay nagtala ng 2:50.54 para sa third. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply