Ang napapanahong Writ of Kalikasan

SUMAGLIT tayo sa kasalukuyang nagaganap na national convention ng Provincial Board Members’ League (PBML) sa Heritage Hotel sa Paranaque City at nakipagbalitaan sa ilan nating mga kasamahan noong tayo’y provincial board member pa.

Yung mga board member ng Masbate ay agad isinangguni sa inyong lingkod ang tungkol sa ginagawa ng Sangguniang Panlalawigan (Provincial Board) na imbestigasyon (in aid of legislation)  sa pormal na reklamo ng isang re-sidente at ilang kasapi ng isang environmentalist group sa bayan ng Aroroy, Masbate na kung saan andun ang kompanyang Filmi-nera Gold Mines (Filminera).

Ang diwa ng reklamo ay ang pagdaloy diumano ng mga deleterious toxic substance (tulad ng mercury) sa TAILINGS pond ng nasabing minahan sa karatig na Lanang River na naging sanhi ng pagkamatay di lamang ng mga lifeform kundi pati na ng mga baka sa mga rantso na nakahilera sa pampang ng nabanggit na ilog.

Ang isang problema ng SP, anila, ay ang di pagsipot ng mata-taas na field officials ng Filminera sa kapitolyo tuwing ipinatatawag sila sa bisa ng subpoena na ini-issue ng sanggunian at tinatanggap daw naman.

Kaya set daw sila ng set ng hearing, subalit ang mga setting na ito ay madalas na nababalewala.

Ito yung tinalakay ng espas-yong ito noong Lunes  na kawalan ng POWER OF CONTEMPT ng provincial board/sangguniang panlalawigan na dapat sana’y nakao-obliga sa mga sinisubpoena na sumipot, lalo na sa ganito kahalagang imbestigasyon, para sa kapakanan ng taumbayan.

Ganunpaman, iminungkahi natin sa ating mga dating kasamahan sa serbisyo na payuhan na lamang ang mga complainant na as a group/environmentalist organization, may tinatawag na locus standi (legal personality) silang  maghain   ng kaukulang petisyon sa Regional Trial Court ng Masbate laban sa Filminera sa isyung ito.

Pwede rin silang humingi ng Writ of Kalikasan with prayer for the issuance of a Temporary Environmental Petition Order (TEPO), tulad ng hiniling sa Korte Suprema  kamakailan lang  ng ilang residente ng West Tower Condominium sa  Bangkal,  Makati laban

sa First Philippine Industrial Corporation (FPIC) kaugnay ng LEAKAGE sa portion (sa bandang Bangkal) ng 117-km pipeline na nagta-transport ng fuel products nito galing sa kanilang refineries sa Batangas patungong Metro Manila Maynila.

Ipinagkaloob ng Korte ang nasabing writ (pwede rin itong ipagkaloob ng RTC sa mga probinsiya/lungsod) nang makumbinse ito na kung totoo nga ang reklamo ng mga taga Bang-kal, Makati, maari nga silang pinahihirapan  ng samo’t sari na  health/environmental hazards gawa ng nasabing leakage. (Itutuloy)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply