Annabelle Rama, dumi na lang ang tingin kay Heart Evangelista

MABAHONG dumi na lang ang tingin ngayon ni Anabelle Rama kay Heart Evangelista when the latter decided not to renew her contract with her manager (Annabelle.) Malapit nang mag-expire ang contract at nitong kailan lang, naging controversial ang naturang isyu.
Nagtatalakan ngayon sina Annabelle at ina ni Heart but the issue is slowly dying down.
Balik na si Annabelle sa iba niyang talent at sabi nito, si JC De Vera ang isa sa mga paborito niya.
By the way, nadagdag sa stable ng nanay ni Ruffa sina John Hall at Paolo Paraiso.
“Hindi matigas ang ulo ni JC. Very professional siya,” sabi ng talent manager. “Natutuwa ako kay JC dahil siya, masipag magtrabaho at nakikinig siya sa kanyang manager kaya naging asenso ang buhay ni JC ngayon. Nagpapagawa na siya ng bahay, tapos may kotse na siya.
“Matutuwa ka kay JC dahil nang makuha ko siya, walang-wala siya. Bibili siya ng lumang kotse, sabi ko mag-brand new siya. ‘Iutang mo na lang kasi kung lumang kotse, mahihinto ka sa kalye.’
“Sabi ko, ‘JC, magtiis ka muna sa five thousand pesos per taping.’ Every taping ni JC, P10,000, aabot ‘yan sa P100,000. Ang suweldo niya ngayon, aabot ng P500,000 a month, more pa.
“Nakakatuwa kasi nagtiyaga si JC sa akin. Hindi siya na-discourage. Hindi siya nagmamadali na kumita. Talagang naghintay lang siya. Ngayon, binigyan siya ng project ng Diyos, umasenso siya.”
Regular na napapanood si JC sa mga sumusunod na programa ng TV5: P.O.5, Lokomoko High, at ang upcoming kiligserye na My Driver Sweet Lover.
Sabi pa ni Annabelle, “Natutuwa ako sa lahat ng mga talents ko, masisipag. Nakikinig sila sa manager nila. Naniniwala sila sa aking kakayahan. Lahat ng talents ko, kapag umasenso ang buhay nila, natutuwa ako.”
Pero ikinabigla ng entertainment press na dumalo ang mga sumunod na pahayag ni Annabelle.
Hindi nila inaasahan ang kanyang mga rebelasyon laban sa alaga niyang si Heart Evangelista.
“Pinakamalaking kontrata, nakuha ko sa GMA-7. Pinakamalaking trabaho na nakuha ko sa kanya, hindi pa sila ma-satisfy. Naloloka ang byuti ko!
“Nakuha ko yung contract, kinuha sa akin ng mommy niya ang kontrata niya, for another three years. Napakalaki ng kontrata.
“Naduling yata ang nanay sa pagbasa. The next day, sinabi niya na ‘ayaw ko nang mag-renew, hanggang two years lang tayo,’ samantalang mag-two years pa lang kami.”
Ang tinutukoy ni Annabelle ay ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.
Patuloy ng talent manager, “Nakita nila yung kontrata sa GMA, malaki ang figures. The next day, ‘Pwede ba, puwede ba ako na lang ang mag-manage sa anak ko? Kasi kailangan ko ring tulungan ang sarili namin. Sayang naman yung 30 percent [commission] na makukuha ko.’
“Okey lang sa akin. So, meron pa siyang one year sa akin,” pagtukoy naman ni Annabelle sa nalalabi pang kontrata ni Heart.
Dagdag niya, “Sa tagal ko na sa industriya, sa tagal ko nang manager, yung mga walanghiyang talent, ingrata, walang utang na loob, malalaos din ‘yan!
“Hindi ako papayag. ‘Yang mga walang utang na loob, mga ingrata, hindi sisikat ‘yan.
Kakarmahin ‘yan sa akin!
“Yung kontrata na nakuha ko sa GMA, mula nang mag-umpisa siya sa GMA, hindi niya natikman sa kabilang istasyon, even one-fourth ng kontrata na nakuha ko sa GMA.”
So there! Cesar Pambid

Annabelle Rama, dumi na lang ang tingin kay Heart Evangelista
MABAHONG dumi na lang ang tingin ngayon ni Anabelle Rama kay Heart Evangelista when the latter decided not to renew her contract with her manager (Annabelle.) Malapit nang mag-expire ang contract at nitong kailan lang, naging controversial ang naturang isyu.
Nagtatalakan ngayon sina Annabelle at ina ni Heart but the issue is slowly dying down.
Balik na si Annabelle sa iba niyang talent at sabi nito, si JC De Vera ang isa sa mga paborito niya.
By the way, nadagdag sa stable ng nanay ni Ruffa sina John Hall at Paolo Paraiso.
“Hindi matigas ang ulo ni JC. Very professional siya,” sabi ng talent manager. “Natutuwa ako kay JC dahil siya, masipag magtrabaho at nakikinig siya sa kanyang manager kaya naging asenso ang buhay ni JC ngayon. Nagpapagawa na siya ng bahay, tapos may kotse na siya.
“Matutuwa ka kay JC dahil nang makuha ko siya, walang-wala siya. Bibili siya ng lumang kotse, sabi ko mag-brand new siya. ‘Iutang mo na lang kasi kung lumang kotse, mahihinto ka sa kalye.’
“Sabi ko, ‘JC, magtiis ka muna sa five thousand pesos per taping.’ Every taping ni JC, P10,000, aabot ‘yan sa P100,000. Ang suweldo niya ngayon, aabot ng P500,000 a month, more pa.
“Nakakatuwa kasi nagtiyaga si JC sa akin. Hindi siya na-discourage. Hindi siya nagmamadali na kumita. Talagang naghintay lang siya. Ngayon, binigyan siya ng project ng Diyos, umasenso siya.”
Regular na napapanood si JC sa mga sumusunod na programa ng TV5: P.O.5, Lokomoko High, at ang upcoming kiligserye na My Driver Sweet Lover.
Sabi pa ni Annabelle, “Natutuwa ako sa lahat ng mga talents ko, masisipag. Nakikinig sila sa manager nila. Naniniwala sila sa aking kakayahan. Lahat ng talents ko, kapag umasenso ang buhay nila, natutuwa ako.”
Pero ikinabigla ng entertainment press na dumalo ang mga sumunod na pahayag ni Annabelle. Hindi nila inaasahan ang kanyang mga rebelasyon laban sa alaga niyang si Heart Evangelista.
“Pinakamalaking kontrata, nakuha ko sa GMA-7. Pinakamalaking trabaho na nakuha ko sa kanya, hindi pa sila ma-satisfy. Naloloka ang byuti ko!
“Nakuha ko yung contract, kinuha sa akin ng mommy niya ang kontrata niya, for another three years. Napakalaki ng kontrata.
“Naduling yata ang nanay sa pagbasa. The next day, sinabi niya na ‘ayaw ko nang mag-renew, hanggang two years lang tayo,’ samantalang mag-two years pa lang kami.”
Ang tinutukoy ni Annabelle ay ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.
Patuloy ng talent manager, “Nakita nila yung kontrata sa GMA, malaki ang figures. The next day, ‘Pwede ba, puwede ba ako na lang ang mag-manage sa anak ko? Kasi kailangan ko ring tulungan ang sarili namin. Sayang naman yung 30 percent [commission] na makukuha ko.’
“Okey lang sa akin. So, meron pa siyang one year sa akin,” pagtukoy naman ni Annabelle sa nalalabi pang kontrata ni Heart.
Dagdag niya, “Sa tagal ko na sa industriya, sa tagal ko nang manager, yung mga walanghiyang talent, ingrata, walang utang na loob, malalaos din ‘yan!
“Hindi ako papayag. ‘Yang mga walang utang na loob, mga ingrata, hindi sisikat ‘yan. Kakarmahin ‘yan sa akin!
“Yung kontrata na nakuha ko sa GMA, mula nang mag-umpisa siya sa GMA, hindi niya natikman sa kabilang istasyon, even one-fourth ng kontrata na nakuha ko sa GMA.”
So there! Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply