Ano-ano na ba ang mga nangyayari sa Comelec?

KAHAPON may mga kasapi ng Teachers Dignity Coalition na nagrali sa opisina ng Commission on Elections dahil sa kawalan ng sahod ng maraming guro kaugnay ng nakaraang halalang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan na ginanap nitong Oktubre 25, 2010.

Nasa P2,000 ang umano’y dapat nilang tinanggap bilang mga miyembro ng Board of Election Tellers.

Ang kalahati ng halaga ay dapat na natanggap nila sa oras ng pagtanggap nila ng mga gamit na panghalalan at ang kalahati ay sa huling oras ng kanilang panunungkulan.

Pero pumuti na ang uwak ay wala pa rin silang natatanggap. Hindi pa kasali, mga Bro, ang nasa P500 allowance na hindi nila natanggap para naman sa Mayo 10, 2010 elections.

Napipilitan tuloy tayong magtanong kung ano-ano na ang nagaganap sa Comelec?

Lalo’t hindi lang naman ang kawalan ng sahod at allowance ang isyu.

Kung maalaala ninyo, nagkaroon ng bulilyaso sa SBSK elections sa 2,000 barangay dahil sa late deliveries ng election paraphernalia at balota.

Nagkaroon pa ng pagtanggap sa kandidatura ng mahigit 4,000 multi-term na kapitan.

Yun bang === natapos na ang kanilang tatlong termino pagkatapos ay pinayagan pa silang kumandidato.

Hayun at nagkaloko-loko ang SBSK elections sa maraming lugar na nakadagdag sa malaking gastusin ng pamahalaan.

Dahil na rin sa postponement ng halalan, marami ang hindi nakaboto lalo na ang mga galing sa malalayong lugar at umuwi lang sa kani-kanilang mga barangay sa isang araw para lang bumoto at magluklok ng gusto nilang mga opisyal.

Bugbog sarado mang usapin, bakit nga ba kinakitaan ang Comelec ng malasadong interes sa halalang SBSK? At idinamay pa ng mga ito ang mga titser na laging kawawa at pagod na pagod sa mga araw ng halalan.

Siguro, panahon nang sabunin nang husto ang Comelec kung kinukulapulan ito ng mga sobrang makapit na dumi.
Kung kinakalawang naman ito ay dapat nang tiktikan.

Hindi pupuwedeng kapitan ng dumi at kalawang ng korapsyon at kapabayaan ang Comelec na naatasang magsusulong ng karapatan ng mamamayan na mamili at magluklok sa puwesto ng mga opisyal ng bayan.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply