Ano ba talaga ang meron sa mga sunod-sunod na lindol?

HINDI tayo mapalagay talaga, Suki, sa mga sunod-sunod na lindol na nagaganap sa repablik ni Juan.

Kahapon at kamakalawa, nilindol na naman tayo.

Ang lalawigan ng Mas-bate ang tinamaan kahapon samantalang  ang Zambales naman ang niyanig kamakalawa. Umabot ang yanig ng lindol sa Zambales sa Metro Manila.

Ano ba ang mayroon sa mga paglindol na ito?

Nagtatanong tayo, Suki, dahil makaraan ang sunod-sunod na lindol sa Kabikulan, bigla na lang pumutok ang bulkang Bulusan.

Sa mga nagaganap na lindol naman sa iba’t ibang bahagi ng bansa, mayroon din bang namumuong mga pagputok ng mga bulkan?

oOo

Op kors, malinaw ang sinasabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo-logy na ang paggalaw ng pundasyon ng ating mga kalupaan ang dahilan ng mga lindol.

At para sa kanila, normal itong nagaganap.

Pero para sa atin, dapat na may mga ibang bagay na alalahanin.

Por eksampol, ang mga maliliit na lindol ay maaaring pagsimulan ng mga disgrasya na hindi masukat kung gaano kagrabe.

Isa sa mga dapat na alalahanin ang pag-amin mismo ng pamahalaan na marami sa mga proyektong pabahay ang substandard o marurupok.

Lalo na ang mga socialized housing na binabalot ng mga katakot-takot na iskam at tongpats para lang magkamal ng salapi mula sa PAGIBIG, SSS at GSIS ang mga kontraktor, kongresman, taga-Palasyo at iba pang mga onorabol.

Lumalabas na hindi kina-kailangang magkalindol ng malakas para magiba ang mga bahay na pinahuhulugan sa mga obrero ng mga pabbika at opisina ng gobyerno.

Ang liliit ng mga bakal ng mga ito, ang lalabnaw ang timpla ng semento para sa mga haligi, beam at halo blak na ginagamit para sa mga ito.

Paano rin ang mga gusaling may mga bitak na sa nakaraang mga paglindol kagaya ng mga naglalakihang iskul, simbahan, kondo at iba pa?

Paano ang mga dam na  laging nagpapakawala ng tubig kapag puno na sa takot na magiba ang mga ito pag may lindol?

Nakatatakot pang isipin na ngayon pang tag-ulan naging masipag ang mga lindol na magwala.

Paano ang mga kabundukan na rumurupok ang mga pundasyon dahil sa pagkakababad sa ulan?

In fact, Suki, kapag lumindol, agad na nagkakaroon ng mga lanislayd galing sa mga bitak-bitak nang kabundukan dahil sa mga lindol.

oOo

Mahalaga rin na isiping tsunami ang kakambal ng mga lindol.

Kaugnay nito, paano ang mga tsunami na sumasalakay sa mga baybayin ng bansa, lalo sa mga baybaying inuubos at minimina ng mga dayuhan at mga onorabol?

Ang baybayin ng La Union ay madali nang mabaha dahil sa kamimina umano ng black sand diyan. Madali nang mabaha, naging marupok pa ang mga buhangin na dating pader sa pagsalakay ng mga alon mula sa dagat.

Ang black sand kasi ang nagsisilbing magnet o epoksi ng mga buhangin upang maging matatag laban sa mga alon at baha.

Pero hindi lang ang La Union ang miniminahan ng black sand. Minimina na rin ang black sand sa mga baybayin ng Cagayan sa norte at nakatatakot isipin na isang araw ay wala na ang mga pader na buhangin doon laban sa mga higanteng alon tuwing nagkakabagyo at may tsunami. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply