Anti-Graft Commission binuwag na ni PNoy

BINUWAG na ni  Pangulong Benigno Aquino III ang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) na matagal ding namayagpag noong nagdaang administrasyon.

Ito’y makaraang lusawin ng Malakanyang ang PAGC sa pamamagitan ng ipinalabas  na  Executive Order No. 13 na nagsasaad na ililipat na ang trabaho ng naturang komisyon sa Office of the deputy executive secretary for legal affairs ni  Assistant Executive Secretary for Legal Affairs Ronaldo A. Geron

Ang pagbuwag sa PAGC ay alinsunod umano sa Presidential Decree No. 1416 na nagbibigay kapangyarihan sa Pangulo na ire-organize ang national government.

Agad namang binuo ang Investigative and Adjudicatory Division na magsasagawa ng imbestigasyon sa graft and corrupt cases ng mga Presidential appointees kabilang na ang mga pinuno ng government-owned and controlled corporations (GOCCs).

Binigyan naman ng hanggang Disyembre 31, 2010 ang Office of the deputy executive secretary for legal affairs para tapusin ang mga nasimulang imbestigasyon ng PAGC. Magsasanib puwersa naman ang Office of the Executive Secretary at Department of Budget and Management (DBM) para  tumulong sa maayos na transisyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply