Anti-smuggling ops ng NBI ipinatitigil

NAPIPINTONG ibasura na ng Bureau of Customs (BOC) ang kasunduan nito sa National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa kanilang pagtutulungan sa kampanya laban sa smuggling dahil umano sa malawakang pang-aabuso nito.

Ayon sa mga reliable source, hinihintay na lang umano ni Customs Commissioner Angelito Alvarez ang pagbalik mula sa abroad ni NBI Director Magtanggol Gatdula upang pormal na ipaalam dito ang pagwawakas ng Memorandum of Understanding (MOU) ng dalawang ahensya ukol sa anti-smuggling campaign ng pamahalaan.

Batay sa kasunduan, ang BOC pa rin ang pangunahing ahensya ng pamahalaan sa kampanya laban sa smuggling, subalit maaari nitong hingin ang tulong ng NBI kung kinakailangan.

“Kaya lang, hindi na maganda ang itinatakbo ng mga pangyayari dahil kahit mga lehitimong importer at maliliit na negosyante na may lehitimong transaksyon sa Aduana ay ginigipit ng ilang tiwaling elemento ng NBI,” anang mga source.   Jing Villamente

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply