Mocha Uson ‘vibrator queen’

PUWEDE palang bansagang Vibrator Queen itong napakaseksing si Mocha Uson, ang lider ng Mocha Girls na kinabibilangan din nina Mae dela Cerna at Jhane Santiaguel. Aminado kasi siyang halos araw-araw ay gumagamit ng vibrator!

Bago ang ukol dito ay nagkuwento muna si Mocha sa ginagawa nila kapag sila ay mayroong shows.

“Ngayon po mas maganda ang show namin dahil nagsu-showbiz po ang bawat Mocha Girls. Si Mae, siya ang sweet girl and ‘pag kinakanta niya iyong paborito niyang song, pumipili siya ng audience at kapag natipuhan niya ang lalaking iyon, hinahalikan niya sa lips.

“Si Jhane naman ’yung aming charming girl, napaka-charming niyan, kahit tumayo lang siya sa stage at hindi magsalita, nabibighani na iyong mga audience. So, siya po iyong aming charming girl na belly dancer, kinakanta niya ‘yung mga Shakira.

“At ako naman po, plano ko nang ilabas iyong totoong ako sa bago kong grupo ngayon, ako naman po iyong pinakama-L sa grupo, iyong tinatawag na horny girl, ma-L po. Sinasabi ko nga sa audience ko na ‘I’m the horny girl at nagugulat sila. Pero kapag inesplika ko na, na horny equals healthy, ibig sabihin kapag ma-L ka ay malusog ka.

“Alam nyo po kasi, according sa recent study, British study, the more orgasm you have, the longer you’ll live. Kaya po proud ako na ma-L po ako. At least every other day, dapat mag orgasm. Kasi, nakakawala ito ng stress, very healthy sa cardio vascular system, nakaka-release ng good hormone at mabuti sa blood circulation, totoo talaga iyan, promise.

“Kabibili ko nga lang po ng aking bagong vibrator, kasi po nasira na iyong una. Palaging nasa bag ko iyan, ‘pag stress po ako, ginagamit ko iyan, hanggang sa mag-orgasm ako. Pati sa nipples puwede ito, I’m sure sino mang mayroon nito, mag e-enjoy siya,” mahabang esplika ng pilyang singer/actress.

Ilang beses niya ito ginagamit sa isang linggo?

“Of course, everyday talaga, before bedtime, sure iyon. Bago matulog, nagba-vibrator po ako.  So ang masasabi ko lang, kapag gumamit nito ang isang babae, lalo niyang mae-enjoy ang kanyang sex life, dahil mae-enjoy niya ang kanyang orgasm sa sarili lang niya. Kaya ‘pag dalawa na sila ng partner niya, sanay na sanay na siya at mae-enjoy mo nang husto ang pag-o-orgasm.

“Pero puwede ring twice o thrice a day kong ginagamit ang aking vibrator, depende po kung gaano ka-hectic ‘yung schedules.”

Bakit parang normal lang sa iyong pag-usapan iyan?

“Opo, kasi I’m liberated but, sabi ko nga, liberated ako, dirty ako, pero hindi ako pumapatol sa may asawa. Hindi rin po ako pumapatol sa may girlfriend, kumbaga, hindi po ako nang-aagaw ng iba, wala po akong tinatapakan. Iyon naman ang importante eh, you can be yourself, as long as wala kang inaagrabyado.”

Ano’ng message mo sa mga babaeng parang nagpapanggap, pero gusto rin pala ng ganyang trip, ‘yung maging liberated o gumamit ng vibrator?

“Sana, kasi sila rin iyong magiging malungkot eh, so ang sa akin, sana ay magpakatotoo na lang sila. Kasi tulad ko, mabuti na iyong nagpapakatotoo ako, kasi, magustuhan man ako ng ibang tao o hindi, at least ay masaya ako. Kasi, ginagawa nila ‘yun in the closet sila o kaya ay patago, so, ano ‘yung purpose ng existence mo, kung you cannot be yourself?  So, dapat ay hindi na sila magpaka-ipokrita.”

Paano kung intrigahin siyang bad influence kina Jhane at Mae?

“Hindi naman masama kung naging palaban sila at naging liberated, kumbaga, sila ay mas hindi naging problema sa grupo. Kasi, they are not judge and they can be themselves. Kumbaga, kung ganyan talaga si Mae, sweet siya pero may naughty side, bakit hindi natin hayaang i-explore niya ang kanyang sarili? Pati si Jhane, ganoon din, hayaan natin siyang i-explore ang kanyang sarili.”

Ano ang sikreto ng Mocha at lagi siyang hot?

“Siguro po, dahil nagpapakatotoo lang kami at hindi kami pakiyeme-kiyeme at bawat show namin ay todo-bigay talaga ang performance kaya solve ang mga manonood.”

Inimbita rin ni Mocha ang lahat upang panoorin ang show nilang Luv 2 Laff  sa Zirkoh, Tomas Morato on Nov. 20, 9:00 p.m., bukod sa Mocha Girls kasama rin ditto sina Jose Manalo at Wally Bayola with Knights Band and Aljur Abrenica. Kabilang sa sponsor dito ang Pervil Cosmetics Inc. ni  Tess Villanueva at Beginning @ 20 Plus Incorporated ni Madam Pelita Perlita-Uy. Mabibili ang tiket sa halagang P500 at P1000. Para sa anumang inquiries please text 09208919263. Nonie Nicasio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply