Asec ‘Twitter’ di sisibakin ni PNoy

WALANG balak si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na sibakin sa puwesto ang kanyang speechwriter na si Assistant Secretary Mai Mislang.

Ang katwiran ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ay nasermunan na ng Punong Ehekutibo si Mislang at napatawad na ito.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na nananatili ang tiwala ng Pangulo kay Mislang. Dahil sa panlalait ni Mislang sa alak at kalalakihan sa Vietnam sa kanyang Twitter acount, umani ng batikos at may ginawang “hate page” sa Facebook laban sa kanya.

Nauna nang naglutangan ang panawagan na sibakin na lamang si Mislang dahil inilagay nito sa kahihiyan ang Pangulo at ang bansa.

“The President trusts Asec. Mislang. She has already been reprimanded, and has apologized since,” ayon kay Valte. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply