Asukal P60 na ang presyo kada kilo

BUNSOD ng naudlot na pag-ani ng mga tanim at paggawa ng asukal dahil sa El Niño, pumalo na sa P60-per-kilo ang presyo nito.

Ito ang itinuturong dahilan ng gobyerno kung bakit lumobo ang presyo ng asukal.

Ayon kay Sugar Regulatory Administration head Gina Martin, maaari pang pumalo sa P62 per kilo ang asukal, na dati ay P56 lamang ang suggested price.

“Our farmers have just started harvesting and sugar mills started milling only now. So far, only 30 percent of sugar mills have started operations. Of the around 30 sugar mills, only 8 to 10 are operating now,” batay sa panayam kay Martin sa dzBB.

Kaugnay nito, inihayag ng supermarket association na marami ang huminto na sa pagtitinda ng asukal makaraang tumaas ang presyo nito.

“Most of us have decided not to sell refined sugar for now. We are selling brown sugar instead,” ayon kay Philippine Association of Supermarkets, Inc. secretary general Federico Plessa sa isang panayam pa rin sa dzBB.

Dagdag pa ni Martin, nakararanas din ang ibang karatig bansa sa delay ng pag-aani dulot na rin ng El Niño.

Aabot umano sa isa hanggang dalawang buwan ang pag-delay ng paggawa ng asukal.

Magsa-start ang milling sa first week of December sa Luzon yung Batangas, Tarlac at sa Mindanao, pinakamalaking sugar mill doon, December pa mag-uumpisa,” ayon kay Martin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply