Atletang nakadroga ‘di lulusot sa ASIAD

Olympic standards umano ang gagamitin para sa ipatutupad na anti-doping tests sa mga atletang lalahok ng 16th Asian Games na magsisimula sa Nov. 12 hanggang 27.

Ayon kay China Anti-Doping Agency Deputy Head Zhao Jian, kabuuang 1,500 urine tests at mahigit 200 blood tests ang inaasahang gagawin nila para sa 12,000 mga athletes mula sa 45 mga bansa na kasama sa international sports events.

Inihambing pa ng opisyal na noong ginanap na Beijing Olympic Games, may kabuuang 5,000 tests ang kanilang isinagawa.

Para sa trabaho, nagtalaga na ang China Anti-Doping Agency ng 81 mga doping test officials at mahigit 600 escorts at volunteers na magsisilbing “anti-doping force.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply