Babaing inagawan na ng motorsiklo, binaril pa

LIGTAS na sa tiyak na kamatayan ang babaing binaril matapos agawan ng motorsiklo kahapon ng madaling-araw, sa Tondo Maynila.

Kinilala ang biktima na si Emilyn Alcantara, 36, ng 354 Malvar st., Tondo, habang inaalam pa ang pagkakilanlan sa mga suspek na tumangay sa motorsiklo ng biktima at bumaril dito.

Ayon sa ulat ni Chief Insp. Randy Maluyo, dakong 2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Tayuman corner Dagupan st., ng nasabing lungsod.

Ang biktima ay nakatakdang magdeliver ng panindang karne nang mapadaan sa lugar at harangin ng dalawang suspek kung saan ang isa dito ay menor de edad.

Tinutukan ng baril ang biktima ngunit nanlaban ito kaya unang nagpaputok paitaas ang suspek at ang pangalawang putok  ay masuwerteng humaging lamang sa kanyang ulo.

Sa ikatlong pagkakataon ay itinapat na ng suspek sa dibdib ng biktima ang baril kaya pinabayaan na lang niyang tangayin ang kanyang Honda Beat, na may plakang 2038-PR.

Mabilis na pinaharurot ng mga suspek ang motorsiklo palayo habang nagpalabas naman ng alarma ang MPD-ANCAR hinggil sa nangyari. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply