Babaing nagsalita ng bomb jokes sa NAIA inaresto

INARESTO ng PNP-Aviation Police ang isang babae makaraang pauli-ulit nitong sinasabi na may lamang bomba ang kanyang bagahe.

Huli na nang malaman ni Zenaida Sangalang na ang maling pagbibiro ay mahigpit na pinagbabawal sa Ninoy Aquino International Airport dahil may katapat na kaparusahan ang magsabi nito.

Si Sangalang na tubong Santa Rita, Batangas, ay nakatakdang lumulan ng KLM flight patungong Italy via Amsterdam, pero, paulit-ulit itong nagsalita ng mga bomb jokes sa harap ni airport screener Lubis Tarcilla.

Standard operations procedure na sa mga airport at iba pang passenger terminal ang  pag-aresto sa mga taong walang pakundangang nagbibiro dahil nakakaapekto sa seguridad ng eroplano.

Tanging anak na babae lamang nito ang pinayagan ng mga awtoridad na makapag-board sa flight 804 habang si Sangalang ay sasampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 .

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply