Back to normal na lahat: Trapik, patayan, siraan!

PATAY na ang kalahati ng diwa ng Undas sa araw na ito.

Itinakda ng Simbahang Katolika, Aglipay at iba pang naniniwala sa Undas na Araw ng mga Santo kahapon at Araw naman ng Kaluluwa ngayon.

Idineklara naman ni PNoy na may pasok na ngayon sa trabaho ang mga obrero.

Wala nang ekstensyon ang bakasyon para sa Undas.

Para umano sa mga arawan ang sahod ang araw na ito at kailangan nilang maghanapbuhay.

Baka nga naman humabol pa sila sa Undas sa gutom kung hindi ito ginawa ni PNoy.

Sapat nang nadalaw ng mga namatayan ang kanilang mga yumao noong araw ng mga santo at hindi sa araw ng kaluluwa ng mga namatay.

Ang walang pasok lang ay ang mga nasa iskul na nakabakasyon. Yung mga nasa kolids lang ang bisi dahil panahon ng enrolmen nila.

oOo

Sa ginawa ni PNoy, bak tu normal na ang lahat.

Sa Metro Manila, Laguna, Batangas at sa ilang lugar sa paligid ng Metro Manila, mararamdaman ang matinding trapik.

Kasi, bukod sa pagbabalik ng nagbakasyon na mga mag-aaral, nakipaghalalan at nangaluluwa, may instant dagdag na 1,000 tanker ng gasolina na gagalu-galugad sa nasabing mga lugar.

Susuplayan ng mga ito ang mga istasyon ng gasolina na mawawalan ng gasolina dahil sa pagsasara ng First Philippine Industrial Corp.

Alam naman nating lahat na nagkaroon ng tagas ang tubo ng gasolina ng FPIC sa Brgy. Bangkal, Makati City
at umabot na sa daan-daang dram ng gasolina ang naipon mula rito.

Kung hanggang kailan ang repair ng pipeline ay walang nakatitiyak. Maaaring ilang araw lang o kaya naman
ay dalawa hanggang tatlong linggo.

Delikado kasing madaliin ito dahil maaaring pagmulan ito ng impiyerno kung liliyab ang gasolina na dumadaloy sa tubo na nakalatag mula sa Batangas hanggang sa Laguna, Makati at Pandacan oil depot sa lungsod ni Meyor Fred im.

oOo

Bukod sa trapik, bak tu normal na rin ang patayan kaugnay ng nakaraang halalang pambarangay at pangkabataan, siraan sa pagitan ng mga malalaking pulitiko at sa pagitan ng mga pulis at holdaper, hayjaker, bank robber at iba pa.

Kita naman ninyo, tapos na ang lahat sa halalan, kasama na ang mga ispesyal na botohan, mayroon pa ring mga pinapatay na mga natalo o nanalong kandidato.

Kung bakit naman kasi na may mga kandidatong hindi matanggap ang pagkatalo o hindi kuntento sa pagiging panalo.

Dahil sa mabilis namang pagsapit ng Kapaskuhan, gustong magkaroon ang iba ng aginaldo o pang-aginaldo sa pamamagitan ng akyat-bahay, holdap, karanaping, bank robbery, droga, estafa at iba pa.

Siyempre, hahalo rito ang mga siraan ng mga onorabol.

Kailan ba naman tumigil ang siraan ng mga ito?

Ngayon pa lang kasi ay naghahanda na ang mga ito para sa susunod na halalan.

Kung hindi nila masiraan o maipakulong ang kanilang mga kaaway ngayon, mamomroblema sila sa halalang 2013.

Haaaay! Kay hirap ng buhay ni Juan. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply