Bagong travel advisory sa Pinas ipinalabas ng France

NAGPALABAS ng bagong travel advisory ang bansang France sa Pilipinas ngayong linggo kung saan pinapaalalahanan ang kanilang mamamayan sa pagtaas ng kriminalidad sa bansa lalo na sa paparating na holiday season.

Ayon sa bagong travel advisory ng France, inaasahang tumataas ang “general crime and kidnappings” sa Pilipinas, partikular sa panahon ng kapaskuhan..

“General crime and kidnappings are rising each year throughout the Philippines at the approaching holiday season and during this period,” saad pa sa travel advisory update noong Martes.

Matatandaang nagpalabas noong Nobyembre 2 ng travel advisory warning sa posibleng pag-atake ng mga terorista sa bansa.

Dahil dito, kinuwestiyon ng Philippine government ang basehan nila sa pagpapalabas ng advisories.

Sa kanilang latest advisory, inihalimbawa ng France ang naganap na panloloob sa isang jewelry shop sa isang mall sa Parañaque City kung lima ang sugatan.

“Risk of violence exists throughout the territory of the Philippines, particularly in public places,” saad pa sa French advisory.

Batay pa rin sa ipinalabas na advisory, nakapaloob ang pagiging aktibo pa rin umano ng mga extremist groups tulad ng Abu Sayyaf sa Mindanao, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

“Criminal groups also engage in kidnapping and extortion in the area. These movements and groups are also likely to act far from their bases throughout the country.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply