Bahay malapit sa city jail tambakan ng basura

Ginagawa raw na permanenteng dumping site ng Leonel Waste Management at Manila City Jail ang kahabaan ng Quezon Boulevard, Sta Cruz, Manila.

Araw-araw simula sa umaga hanggang tanghali kung maghakot ng basura ng jail ang isang truck Leonel.

Ang hindi raw gusto ng mga residente sa lugar ay mismo sa harapan ng mga bahay ng nasabing lugar itinatambak ang bunton ng mga basura para halungkatin ng mga basurero kung may makukuha pa silang mga mapagkukwartahan.

Mr. Totoy Yu, basahin ninyo ang nilalaman ng reklamo ng mga taga-Quezon Blvd, Quiapo, Manila:

Gud pm Sir Johnny. Sen-siya na sa pang-iistorbo pero alam kong may magagawa kayo sa problema  namin. Kasi ginagawang permanenteng dumping site ng Leonel Waste Management at Manila City Jail  ang harap namin dito sa # 9-27 Quezon Blvd., Sta Cruz, Manila. Ok na lang sana kung sa gabi nila ginagawa ang paghahakot dito.

Ang kaso araw na araw mula umaga hanggang tanghali at halos isang trak araw-araw ang basura ng buong jail.
Dati naman pinapasok ng Leonel ang MCJ pero ngayon dito na sa amin sila humahakot  dahil hinahalungkat pa nila kung may makukuha sila na pagkakakitaan  at kami ang nagtitiis sa baho  ng katas ng basura hanggang tanghali araw-araw. Alam ko, sa gabi lang pinahahakot ang mga basura at di sa araw dahil nga mga basura na ito. Sir John, sensiya uli sa pang-aabala ko sa iyo. Sana maawa naman sila sa amin dito. Thank you!

Godbless!!

PULIS ANG INTELIHENSYADOR

Isang PO1 Jasinas ang  intelihensiyador sa loteng ni Lito Motors sa Quezon City. Pulis ang intelihensiyador ng gambling operator na ito. Hindi po ba ibang klase ito, PNP chief Gen.Raul Bacalzo? Pulis ha….!!!

oOo

Anomang reklamo o pu-na ay itext lang sa 091892-74764, 09266719269 o e-mail sa juandesabog @ yahoo.com. Johnny Magalona

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply