Bakit ang mga foreigner sa bansa ay ginagawang VIP?

Bakit nga ba na sa ating bansa, eh, kung sino pa yung mga dayuhan ay sila pa ang nasusunod?

Iginagalang at saka ine-eskortan pa sila ng mga pulis at talagang  VIP kung ituring sila!!!

Ang sabi ng mga na-ging Presidente ay nag-iinvite lang sila ng mga foreigner sa ating bansa para magkaroon ng trabaho ang mga Pinoy!!!

Anak ng put.@#$%. na trabahong ‘yan na ipinagmamalaki ng gobyerno.

Bakit hanggang ngayon na nayurakan na ng lahat-lahat ang karapatan ng mga Pinoy ng mga walanghiyang dayuhan na ‘yan ay santambak pa rin ang  mga walang trabahong Pinoy.

Basahin natin ang reklamo sa text message.

Gud morning. Gusto ko lang itanong kung bakit dito sa Pilipinas, eh, ang mga dayuhan ang nasusunod?

Iginagalang, ineeskortan talaga, VIP natin kung ituring sila.

Ang sabi ng mga Presidente, nag-iinvite sila ng mga foreigner para magkaroon ng trabaho ang mga Pinoy.

Eh ako may trabaho tinanggalan ng foreigner kahit pinatutupad ko lang ang trabaho ko bilang guwardiya.

Tama ba itong nangyayari sa bansa natin?

B-day ko now pero eto walang magawa!!

Salamat po!

SUGALAN SA STA. MARIA DI MATINAG

Tuloy pa rin ang operation ng mga pasugalan ng mag-asawang Marivic at Ding sa bayan ng Sta. Maria sa Bulacan.

Hindi matinag dahil pinoproteksyunan daw ni Mayor Omeng Ramos.

Mayor Omeng, ano ba naman yaaaan?

PADER PA RIN ANG LOTENG SA QC

Sa QC naman hindi pa rin tumitigil ang operation ng loteng ni Lito Motors.

Palibhasa ang nasa likod nito ay si “Papa Mayor” at isang Col. Abalos.

No way ang one strike policy ni PNP chief Gen. Raul Bacalzo.

Heneral, aksyon naman!

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 091892747-64, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply